Mga Imam, aaksiyon laban kina EB hosts Tito Sotto at Joey De Leon!

By Ricky Brozas November 01, 2015 - 12:35 PM

 

eat-bulaga-arab-costumeInsulto sa relihiyong Islam ang pagsusuot ng baro ng pang-Muslim ng mga tv host na sina Senador Tito Sotto III at Joey De Leon sa kanilang halloween specials sa Eat Bulaga kahapon, araw ng Sabado.

Ginawa daw kasing katatawanan at katatakutan ng mga nina Sotto at De Leon ang sagradong kasoutan ng mga Muslim na isang malinaw na pagyurak sa kanilang relehiyon.

Sinabi sa Radyo Inquirer ni Datu Bashir Alonto, chairman ng Metro Manila Community for Justice and Peace na magpupulong bukas, Nobyembre 2, ang mga Imam o mga religious leaders ng mga Muslim para pag-aralan kung anong kaso ang maaring isampa laban sa dalawa.

Aniya, may mga litrato na silang hawak para patunayan ang maling paggamit nina Sotto at De Leon sa kanilang kasuotan na ginagamit lamang dapat para sa banal na pagtitipon, pagsamba at pagdarasal.

Sana man lamang ay kumunsulta muna ang dalawa o ang pamunuan ng Eat Bulaga sa mga Muslim para nalaman nila ang kahalagahan ng naturang kasuotan.

Sinabi pa ni Alonto na dahil sa iresponsableng ginawa ng senador ay maaring makaapekto iyon sa kanyang kandidatura sa hanay ng mga Muslim.

Una nang iminungkahi ni ARMM Governor Mujib Hataman ang public apology nina Sotto at De Leon dahil sa pagyurak sa relehiyong Islam.

 

TAGS: ARMM Gov. Mujiv Hataman, eat bulaga, Muslim Community, ARMM Gov. Mujiv Hataman, eat bulaga, Muslim Community

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.