Pilipinas wagi kontra Qatar sa FIBA Asian Qualifiers

By Justinne Punsalang September 18, 2018 - 01:59 AM

FIBA

Tinalo ng Gilas Pilipinas ang koponan ng Qatar sa kanilang closed door game para sa FIBA World Cup Asian Qualifiers na ginanap sa Smart Araneta Coliseum kagabi.

Natapos ang lari sa iskor na 92-81, pabor sa koponan ng Pilipinas.

Hindi man naging marami ang naipasok na score ng koponan katulad ng inaasahan, ang kanilang magandang depensa naman ang naging susi sa kanilang pagkapanalo.

Aminado ang head coach ng Gilas na si Yeng Guiao na sa first half ng laro ay hindi maganda ang shooting percentage ng koponan, lalo na para sa three points. Ngunit aniya, dahil dedikado ang mga manlalaro ay ginalingan na lamang nila ang kanilang depensa.

Ayon pa kay Guiao, nakita niya ang biglang pagpapalit ng strategy ng kanyang mga manlalaro matapos ang halftime kung kailan nangunguna na ang Qatar sa iskor sa 52-39.

Sina Japeth Aguilar at Alex Cabagnot ang nakapagtala ng team-high score na kapwa 16 na puntos. Sinundan naman sila nina Stanley Pringle na nakapagbigay ng 13 puntos at Beau Belga na mayroon namang 11 points.

Samantala, para sa Qatar, si Mohammed Yousuf Mohamed ang nanguna sa pamamagitan ng 26 na puntos.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.