Ulan sa isang buwan sa Baguio City, nahigitan ng isang araw na ulan dahil sa bagyong Ompong

By Justinne Punsalang September 18, 2018 - 02:57 AM

Higit na mas marami ang dalang ulan ng bagyong Ompong kung ikukumpara sa buwanang dami ng ulan na nararanasan sa Baguio City.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Baguio City, noong nakaraang buwan ng Agosto, nasa 650mm ang naitalang average rainfall. Ngunit sa isang buong araw na pag-uulan dahil sa bagyo, umabot sa 760mm ang naitalang rainfall.

Nagdulot ang walang patid na pag-uulan ng pagbaha, kabilang na sa Harrison Road na kinailangang isara dahil sa pag-apaw ng drainage.

Binaha rin ang KM3 at KM5 ng Halcima Highway sa kasagsagan ng pagbayo ng bagyong Ompong.

Dahil sa dami ng ulang dala ng bagyo, nalubog sa tubig-ulan at baha at ang mga tanim na lettuce at strawberry sa mga taniman sa La Trinidad, Benguet. Dahil dito ay nasira ang mga tanim at hindi na mapakikinabangan pa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.