2 holdupper patay sa followup operation sa Quezon City

By Justinne Punsalang September 18, 2018 - 04:17 AM

Contributed photo

Kapwa nasawi ang dalawang holdupper matapos makipagbarilan sa mga otoridad sa kahabaan ng Road 10 sa Project 6, Quezon City.

Sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlan ang mga suspek. Isa dito ay nasawi sa mismong pinangyarihan ng insidente, habang ang kanyang kasama ay idineklarang dead on arrival sa ospital.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, Chief Superintendent Joselito Esquivel Jr., dumulog sa mga pulis ang dalawang lalaking nabiktima ng mga holdupper kaya naman agad na nagkasa ng followup operation ang mga elemento ng QCPD Station 9.

Nang mamataan ang mga suspek na sakay ng isang asul na motorsiklo ay hinabol ang mga ito, hanggang sa nakarating sila sa Road 10 kung saan nakorner ang mga holdupper.

Dito na nagsimula ang engkwentro na ikinasawi ng mga suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.