Panibagong oil price hike kasado na ngayong araw

By Justinne Punsalang September 18, 2018 - 04:45 AM

Muli na namang magkakaroon ng pagtataas sa presyo ng mga produktong petroloyo ngayong araw.

Epektibo mamayang alas-6 ng umaga, madaragdagan ng 15 sentimo kada litro ang presyo ng diesel at 50 sentimo naman sa bawat litro ng gasolina.

Samantala, ang kerosene ay magmamahal ng 20 sentimo bawat litro.

Kabilang sa mga nag-anunsyo ng panibagong oil price hike ang mga kumpanyang Caltex, Eastern Petroletum, Flying V, Jetti, Petron, Petro Gazz, Phoenix Petroleum, PTT, SeaOil, Shell, at Total.

Ito na ang ikaanim na sunod na linggo na magkakaroon ng pagtataas sa halaga ng mga produktong petrolyo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.