Apat ang patay, habang lima ang sugatan sa naganap na sunog sa Araro Street, Barangay Palanan, Makati City, ngayong araw ng Undas.
Ayon kay Makati City Fire Marshall Supt. Ricardo Perdigon, ang mga nasawi ay sina Annie Duran Eneria, 52 anyos; Nathaniel Duran, dalawang buwang gulang; Britney Eneria, 14 anyos; at Nicole Eneria, 8 anyos.
Kabilang sa mga sugatan ay sina Rodney Duran, Rodrigo Eneria, at Antisha Duran.
Sinabi ni Perdigon na nangyari ang sunog dakong 5:48 ng umaga.
Nagmula raw ang apoy sa isang 2-storey residential building.
Sa inisyal na imbestigasyon, ang “pagja-jumper” ng kuryente ang rason ng sunog.
Umakyat sa ikatlong alarma ng sunog na naapula makalipas ang kalahating oras.
Hindi naman bababa sa tatlumpung pamilya ang apektado ng sunog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.