Malakanyang, dinepensahan ang pagmumura at paninisi ni Pangulong Duterte sa isang pari sa Benguet

By Len Montaño September 17, 2018 - 10:52 PM

Dumipensa na naman ang Malakanyang sa pagmura at paninisi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang pari sa Benguet na anyay dahilan ng pagguho ng isang kapilya na ikinamatay ng mga taong lumikas doon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi seryoso ang pangulo at hindi dapat laging seryosohin ang mga sinasabi nito.

Kahapon ay sinabi ni Duterte na hindi sana nangyari ang pag-collapse ng gusali kung pinalitan ang pari sa bayan ng Itogon.

Bukod sa mura ay tinawag ng pangulo na bobo ang pari.

Hindi ito ang unang pagkakataon na may sinabi ang presidente pagkatapos ay sasabihin ng palasyo na joke lang ito at hindi dapat seryosohin.

TAGS: Harry Roque, rodrigo duterte, Harry Roque, rodrigo duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.