Sen. Lacson, nais malaman kung may pakinabang ang suporta ng Kongreso sa martial law sa Mindanao
Dahil sa pinakabagong pagsabog sa mindanao, nais malaman ni Sen. Panfilo Lacson kung may pakinabang ba ang suporta ng kongreso sa martial law sa rehiyon.
Ayon kay Lacson, sinuportahan ng mga mambabatas ang deklarasyon ng batas militar sa Mindanao at ang nais ng administrasyong Duterte na ipasa ang Bangsamoro Organic Law dahil sa pangako nitong kapayapaan.
Pero dahil sa mga pagsabog kahapon ay duda na ang senador kung worth it ba ang kooperasyon ng kongreso sa malakanyang.
Dapat anyang patunayan ng palasyo na mali ang kanilang agam-agam na walang pakinabang ang martial law sa rehiyon.
Pinagbigyan ng kongreso ang hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin ang batas militar sa Mindanao hanggang sa pagtatapos ng 2018 dahil umano sa patuloy na banta ng terorismo at rebellion.
Pero may mga insidente pa rin ng pagsabog sa ilang lugar sa mindanao.
Bago ang pagsabog sa General Santos city kahapon ay nagkaroon din ng pagsabog noong August 28 sa Sultan Kudarat na ikinamatay ng tatlo katao at pagkasugat ng tatlumput-anim na iba pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.