Malacañang ipinagtanggol ang pangulo sa pagbanat sa COA

Inquirer file photo

Idinepensa ng Malacañang ang pagbatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Commission on Audit (COA).

Ipinaliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque na dismayado ang pangulo sa dami ng mga prosesong dapat pagdaanan para lamang makapaglabas ng pondo ng pamahalaan sa panahon ng kalamidad tulad ng bagyo.

Gusto lamang umanong ipakita ng pangulo na dapat ay maging simple ang proseso para sa mabilisang tulong sa publiko.

Kahapon ay nagsumbong sa pangulo si Ilocos Norter Gov. Imee Marcos dahil hindi pinapayagan ng COA ang cash advance sa pagbili ng mga building materials tulad ng mga yero kahit na sa panahon ng kalamidad.

Inutusan ng pangulo ang mga lokal na opisyal na huwag sundin ang circular ng COA na nagbabawal sa cash advance lalo’t kailangang maiparating sa kaagad ang tulong sa mga sinalanta ng bagyong Ompong.

Sinabi rin ng pangulo na sagot niya ang mga opisyal na kakasuhan ng COA sa pagsunod sa kanyang utos.

Read more...