Cavite mayroon nang walong congressional districts
Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang bagong batas na lumikha sa ika-walong legislative district sa lalawigan ng Cavite.
Sakop ng Republic Act 11069 ang Tagaytay City, Alfonso, General Aguinaldo, Magallanes, Maragondon, Mendez, Naic at Ternate bilang bahagi ng ikawalong legislative district ng lalawigan.
Kasabay nito ay pirmado na rin ng pangulo ang pagiging sole legislative district ng General Trias City na siyang magiging sixth district ng Cavite.
Ang unang distrito ng Cavite ay bibubuo ng Kawit, Cavite City, Noveleta at Rosario.
Ang lunsod ng Bacoor ang second legislative district samantalang Cavite City naman ang kumakatawan sa ikatlong distrito.
Sakop ng lungsod ng Dasmariñas ang ikalimang distrito samantalang ang ika-anim ay binubuo ng Silang, Carmona at General Mariano Alvarez.
Ang seventh district ay binubuo ng Trece Martirez, Indang, Amadeo at Tanza.
Nakasaad sa batas na ang kasalukuyang mga kinatawan ng sixth at seventh legislative district ang siyang makakasop pa rin sa nasabing mga lugar sa May, 2019 midterm elections.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.