Hepe ng PNP sa Gensan at Midsayap, North Cotabato sibak sa pwesto

By Den Macaranas September 17, 2018 - 03:45 PM

Sinibak ni Philippine National Police Chief Oscar Albayalde ang pinuno ng pulisya sa Midsayap, North Cotabato at ang hepe ng General Santos Police Station 2 dahil sa naganap na pagsabog kagabi.

Pinalitan ni Supt. Joan Maganto si Supt. Samuel Cadungon bilang pinuno ng Midsayap PNP samantalang si Senior Insp. Davis Dulawan naman ang bagong talagang hepe ng Police Station 2 makaraan niyang palitan si C/Insp. Patrick Elma.

Magugunitang walo katao ang sugatan makaraan ang pagsabog ng isang bomba sa Hadano Park malapit sa National Highway ng General Santos City pasado alas-onse ng umaga kahapon araw ng Linggo.

Isang pagsabog rin ang naitala sa loob ng isang bar sa Poblacion 4 sa Midsayap, North Cotabato pasado alas-siyete ng gabi pero wala namang naitalang sugatan dito.

Sa ngayon ay inaalam pa ng liderato ng PNP kung anong grupo ang nasa likod ng nasabing mga pagsabog.

Ang buong pwersa ng pulisya ay nasa full-alert hindi lamang dahil sa pagpapatupad ng Martial Law kundi kaugnay rin sa mga naganap pagpapasabog sa ilang lugar sa Mindanao sa mga nakalipas na linggo.

TAGS: albayalde, Explosion, genral santos city, Midsayap, North Cotabato, PNP, albayalde, Explosion, genral santos city, Midsayap, North Cotabato, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.