Pinuno ng House Appropriations Committee papalitan ngayong araw

By Den Macaranas September 17, 2018 - 03:30 PM

Nakatakdang palitan bilang pinuno ng House Committee on Appropriations si Davao City Rep. Karlo Nograles.

Sinabi ni Surigao Del Sur Rep. Johnny Pimentel na posibleng mangyari ito sa pagbubukas ng sesyon ngayong araw at papangalangan na rin ang papalit sa kanya bilang pinuno ng komite.

Ngayong araw rin ng Lunes ay nakatakdang talakayin sa plenaryo ang P3.7 Billion national budget.

Nauan dito ay sinabi ni Majority Leader Rolando Andaya na nagka-ayos na ang liderato ng Kamara at ang Malacañang kaugnay sa pagpapatibay sa 2019 proposed national budget na nauna nang inipit ng ilang mambabatas.

Kinuwestyon kasi ng ilang mga kongresista ang cash-budgeting system na isinusulong ng Department of Budget para sa 2019 budget.

Ngayong araw rin ay nakatakdang isalang sa plenaryo ang budget proposal ng Department of Finance, Commission on Audit, National Economic Development Authority, Department of Tourism, Department of Agrarian Reform, Department of National Defense, at Department of Education.

Nananatili namang tahimik ang kampo ni Nograles kaugnay sa ulat na aalisin siya sa posisyon bilang pinuno ng Appropriations Committee.

TAGS: appropriations, Budget, Congress, Nograles, Pimentel, appropriations, Budget, Congress, Nograles, Pimentel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.