2 Filipino nasugatan sa pananalasa ng TY Mangkhut sa Hong Kong

AP Photo

Dalawang Pilipino ang iniulat na nagtamo ng minor injury habang nasa 37 ang nailigtas sa pananalasa sa Hong Kong ng Typhoon Mangkhut.

Kinumpirma ni Philippine Consul General to Hong Kong Antonio Morales na ang dalawang Pilipina ay nasugatan makaraang tamaan ng nagliparang debris.

Nailigtas din ang nasa 32 mga pilipinong turista na sakay ng isang tourist bus at patungo sana ng airport.

Ayon sa ulat, na-straded sa tulay ang nasabing bus sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo.

Nailigtas naman ang mga sakay ng bus at dinala sa isang hotel sa Kowloon.

Samantala, nailigtas din ang limang Pilipina na pawang mga kawani ng isang diving resort sa nasabing lugar.

Bago manalasa sa Hong Kong at China, ang Typhoon Mangkhut o Bagyong Ompong ay nag-iwan ng matinding pinsala sa Northern Luzon.

Ang Typhoon Mangkhut ay umabot sa signal number 10 sa Hong Kong bago manalasa sa mainland China.

Read more...