Signal ng Globe at Smart sa Ompong-hit areas naibalik na

Kuha ni Erwin Aguilon

Naibalik na ang mobile network services sa mga lugar na labis na sinalanta ng bagyong Ompong.

Ayon sa Globe Telecom Inc., naibalik na nito ang network sa mga lalawigan ng Apayao, Cagayan, at Ilocos Norte.

Gumagana na umano ang cell sites ng Globe sa nabanggit na mga lugar maliban lang sa bayan ng Baggao sa Cagayan kung saan nag-landfall ang bagyo.

Target ng Globe na matapos ngayong araw ang pagkumpuni sa tower nila sa Baggao.

Samantala, ayon naman sa Smart Communications Inc. naayos na rin ang serbisyo ng PLDT at kanilang mobile services sa northern at central Luzon.

96 percent na umanong naibalik ang serbisyo ng Smart sa Cagayan, Benguet, Apayao, Mountain Province at Kalinga.

Read more...