DENR pinahihinto na ang operasyon ng lahat ng small scale mining sa CAR
Ipinag-utos na ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagpapahinto sa operasyon ng lahat ng small scale mining sa Cordillera Administrative Region (CAR).
Ginawa ni DENR Sec. Roy Cimatu ang anunsyo sa press briefing sa Benguet kasama si Presidential Spokesperson Harry Roque.
Ayon kay Cimatu, iniutos na niya ang pagpapalabas ng cease and desist order sa lahat ng small scame mining sa buong rehiyon ng CAR .
Maging ang sampung small scale miners na legal na nag-ooperate sa rehiyon matapos mabigyan ng temporary permit ay pinahinto ni Cimatu. Aniya, dahil sa trahedya, binabawi niya na ang temporary permit na nai-isyu sa sampung small scale miners epektibo ngayong araw.
Inatasan din nito ang mga small scale miners na makipag-cooperate sa pamahalaan at sumunod sa kautusan.
Para matiyak na maipatutupad, sinabi ni Cimatu na magpapadala sila ng mga tauhan mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa mga lugar kung saan mayroong nagaganap na small scale mining lalung-lalo na sa Itogon.
Magugunitang maraming minero at kanilang pamilya ang pinaniniwalaang nalibing sa minahan sa Barangay Ucab sa Itigon, Benguet.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.