Halos 600,000 katao naapektuhan sa hagupit ng TY Ompong

By Dona Dominguez-Cargullo September 17, 2018 - 11:27 AM

Kuha ni Erwin Aguilon

Umabot na sa 591,762 ang kabuuang bilang ng mga naapektuhang indibidwal sa pananalasa ng bagyong Ompong.

Ang nasabing bilang ay katumbas ng 147,540 na pamilya ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).

Sinabi ng NDRRMC na sa Region III ba nakapagtala ng may pinakamaraming bilang ng apektadong indibidwal na 286,730; sinundan ng Region I na 109,472 na katao ang naapektuhan; at sumunod ang Region II na nakapagtala ng 90,523 na kataong apektado.

Sa ngayon umabot na sa P28,976,636 ang halaga ng tulong na naibigay ng national at local governments kasama na ang non-government organizations sa Regions I, II, III, Mimaropa Cordillera Administrative Region, at NCR.

Ayon sa NDRRMC, umabot sa 451 na mga bahay ang napinsala sa Regions I, III, at CAR.

Habang 229 na mga lugar ang binaha sa Regions I, III at Calabarzon.

TAGS: aftermath, NDRRMC, Typhoon Ompong, aftermath, NDRRMC, Typhoon Ompong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.