DOJ ikinatuwa ang hatol ng korte laban kay Ret. Maj. Gen. Palparan

PALPARAN ARRESTED/ AUGUST 12,2014
INQUIRER PHOTO/JOAN BONDOC

Ang hatol kay Ret. Army Maj. Gen. Jovito Palparan ay patunay na darating pa rin ang hustisya kahit pa gaano katagal ito hinintay.

Welcome kay Justice Secretary Menardo Guevarra ang naging pasya ng korte sa kaso ni Palparan hinggil sa pagdukot sa UP students na sina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan noong 2006.

Ani Guevarra bagaman natagalan, dumating pa rin naman ang hustisya para sa dalawang biktima.

Sa naging pahayag ng pamilya ng mga biktima, kasama ang mga piskal ng DOJ sa kanilang pinasalamatan dahil sa pagsusulong ng kaso laban kay Palparan at dalawang kapwa-akusado na sina Lieutenant Colonel Felipe Anotado at Staff Sergeant Edgardo Osorio.

Ang tatlo ay nahatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo.

Habang ang isa pang akusado na si Rizal Hilario ay patuloy na pinaghahanap ng batas.

Read more...