21 sugatan sa salpukan ng 2 bus sa Lucena

By Dona Dominguez-Cargullo September 17, 2018 - 10:39 AM

Credit: Netzkie Goyalas

Sugatan ang 21 katao sa salpukan ng dalawang pampasaherong bus sa Diversion Road sakop ng Lucena City sa Quezon.

Sangkot sa aksidente ang Amihan Bus na may plate number na ACD 1533 at Philtranco Bus na mayroong body number na 1730.

Kapwa mayroong ruta na Bicol-Manila ang dalawang bus.

Inaalam pa kung ano ang naging sanhi ng aksidente, pero wasak na wasak ang unahang bahagi ng Amihan Bus na sumalpok sa likuran ng Philtranco Bus.

Agad dinala sa ospital ang mga nasugatang pasahero ng dalawang bus.

TAGS: accident, Amihan Bus, Philtranco BUs, accident, Amihan Bus, Philtranco BUs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.