Pamilya nina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan masaya sa hatol na hinintay nila ng 12-taon

By Dona Dominguez-Cargullo September 17, 2018 - 10:24 AM

Inquirer Photo | Allan Macatuno

Kapwa naiiyak sa tuwa ang ina nina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan sa naging pasya ng mababang korte sa kaso ng pagkawala at pagdukot sa kanilang anak.

Inabot kasi ng mahigit isang dekada ang kaso bago tuluyang nahatulan ng korte si Ret. Army Major General Jovito Palparan na siyang pangunahing akusado sa kaso.

Matapos ilabas ni Judge Alexander Tamayo ng Malolos RTC 3rd Judicial Region Branch 15 ang hatol na guilty kay Palparan, nagpasalamat si Ginang Concepcion Empeño sa matapang na pasya ng hukom.

Masaya din si Ginang Erlinda Cadapan na binigyang-bigat ni Judge Tamayo ang mga ebidensyang kanilang nailatag sa korte.

Sina Cadapan at Empeño ay dinukot ng mga armadong lalaking nakasuot ng bonnet sa isang bahay sa Barangay San Miguel sa Hagonoy, Bulacan noong June 26, 2006.

Kapwa nag-aaral sa UP ang dalawa noon, kung saan si Cadapan ay senior sports science students habang kumukuha naman ng sociology si Empeño.

TAGS: jovito palparan, Karen empeno, Sherlyn Cadapan, jovito palparan, Karen empeno, Sherlyn Cadapan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.