Ret. Army Maj. Gen. Palparan hinatulang guilty sa pagdukot sa 2 UP students
BREAKING: Hinatulang guilty ng korte sa Bulacan si Retired Army Major Gen. Jovito Palparan sa kasong pagdukot sa dalawang UP students.
Isinagawa ang promulgation ng Malolos RTC 3rd Judicial Region Branch 15 sa kasong kidnapping laban kay Palparan, Lunes, Sept. 17 ng umaga.
Sa desisyon ni Judge Alexander Tamayo, guilty si Palparan sa kasong kidnapping at serious illegal detention hinggil sa pagkawala ng mga estudyante ng UP na sina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan.
Habambuhay na pagkakabilanggo ang sentensya ng korte kay Palparan.
Ang dalawa ay nawala noong taong 2006.
Maliban kay Palparan, hinatulan din sa parehong kaso ang dalawa pang dating military officials na sina Lieutenant Colonel Felipe Anotado at Staff Sergeant Edgardo Osorio. Inatasan din ang tatlo na magbayad ng P100,000 bilang civil indemnity at P200,000 na moral damages sa naulila nina Cadapan at Epeño.
Habang binabasa naman ang sentensya ng korte sumigaw pa si Palparan na duwag ang hukom na humawak ng kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.