BREAKING: 6 patay sa Cagayan sa pananalasa ng bagyong Ompong

By Erwin Aguilon September 17, 2018 - 09:41 AM

Kuha ni Erwin Aguilon

Anim na ang patay sa lalawigan ng Cagayan sa pananalasa ng bagyong Ompong.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Cagayan Gov. Manuel Mamba, matapos magpasukan ang mga ulat sa mga bayan na tinamaan ng bagyo, nakapagtala na sila ng anim na nasawi.

Sa bayan ng Iguig, nasawi ang mag-asawang senior citizen matapos madaganan ng puno ang kanilang bahay.

Dalawa din sa bayan ng Baggao ang nasawi na kinilalang sina Rosalina Dela Cruz, 72 anyos at Petring Moises, 83 anyos.

Sa mga bayan ng Penablanca at Gonzaga ay mayroon ding tig-isang naitalang nasawi.

TAGS: Baggao, Gonzaga, Iguig, Penablanca, Radyo Inquirer, Baggao, Gonzaga, Iguig, Penablanca, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.