Gr. 7 student pinaghahanap matapos maanod ng tubig sa San Mateo River

By Jong Manlapaz September 17, 2018 - 08:35 AM

Isang Grade 7 student ang patuloy na pinaghahanap matapos anurin ng malakas na agos ng tubig sa San Mateo River sa lalawigan ng Rizal.

Ang bata ay residente ng Brgy. Bagong Silangan sa Quezon City.

Ayon sa impormasyon mula sa barangay, tatlong magkakaibigan ang nagkakayaan na maligo sa ilog kahapon sa boundary ng Bagong Silangan at San Mateo.

Pero sa lakas ng agos ng tubig, tinangay ang estudyante at hindi na nakaahon.

Ligtas naman ang dalawang iba pa.

Maliban sa ilog ng San Mateo nagsasagawa din ng search and rescue operation ang mga opisyla ng barangay sa Marikina River sa pag-asang mahanap pa ang binatilyo.

TAGS: #OmpongPH, quezon city, Radyo Inquirer, San Mateo River, #OmpongPH, quezon city, Radyo Inquirer, San Mateo River

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.