Thunderstorm advisory itinaas ng PAGASA Metro Manila at mga kalapit na lalawigan

By Dona Dominguez-Cargullo September 17, 2018 - 08:25 AM

Nagpalabas ng thunderstorm advisory ang PAGASA sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Sa abiso ng PAGASA, alas 8:16 ng umaga, malakas na buhos ng ulan na mayroong kaakibat na pagkulog at pagkidlat ang nararanasan sa Nueva Ecija at Bulacan.

Sa susunod na dalawang oras naman makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Metro Manila, Quezon, Rizal, Batangas, Cavite, Laguna, Nueva Ecija at Tarlac.

Ayon sa PAGASA ang nararanasan na pag-ulan ay maaring magdulot ng flash floods sa mabababang lugar.

TAGS: Pagasa, Radyo Inquirer, thunderstorm advisory, weather, Pagasa, Radyo Inquirer, thunderstorm advisory, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.