45 pang mga lansangan nananatiling sarado sa mga motorista

Aabot sa 45 mga lansangan pa sa sa mga lugar na sinalanta ng Typhoon Ompong ang nananatiling sarado sa mga motorista.

Ito ay dahil sa pinsala na naidulot ng bagyo.

Sa datos ng Department of Public Works and Highways (DPWH), sa nasabing bilang, 35 ay mga kalsada sa Cordillera Administrative Region (CAR), 3 sa Region I, isa sa Region II at 6 sa Region III.

Sa CAR, kabilang sa nananatili pang sarado sa lahat ng uri ng mga sasakyan ay ang Kennon Road, Benguet-Nueva Vizcaya Road, Baguio-Bontoc Road, Abra-Ilocos Norte Road, Abra-Ilocos Sur Road, at Abra-Kalinga Road.

Marami pa ring saradong kalsada sa Apayao, Mt. Province, Cagayan, Baguio, Benguet, Ifugao, Nueva Vizcaya, La Union, Pangasinan, Batanes, Isabela, Quirino, Pampanga, at Tarlac.

Ang nasabing mga lansangan ay naapektuhan ng rockslide, landslides, bumagsak na puno, mudflow, nawasak na daan, natumbang poste ng kuryente, pagbaha at iba pa.

Ayon sa DPWH, patuloy ang kanilang clearing operations sa mga naapektuhang kalsada.

Read more...