Klase sa UE Manila kinansela dahil sa problema sa kuryente
By Dona Dominguez-Cargullo September 17, 2018 - 07:44 AM
Kinansela ang klase mula pre-school hanggang Grade 12 sa Universitiy of the East – Manila ngayong araw ng Lunes, Sept. 17.
Sa abiso ng pamunuan ng UE, massive electrical disruption ang dahilan ng suspensyon ng klase.
Pang-umagang klase lamang ang sakop ng suspensyon at hanggang Grade 12 lang ang walang klase.
Mayroon namang pasok ang mga pang-umagang College student.
Habang muli namang maglalabas ng abiso ang UE para malaman kung magkakaroon na ng klase ang afternoon K to 12 levels.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.