Chilean priest na inakusahan ng sexual abuse inalis na sa pwesto ng Santo Papa

AP

Pinatalsik na sa pwesto ni Pope Francis ang isang Chilean priest na iniimbestigahan dahil sa kasong na may kaugnayan sa pagkakasangkot niya sa pang-aabuso sa mga bata,

Ayon sa Archdiocese of Santiago nagpasya ang Santo Papa na alisin na sa pwesto si Reverend Cristian Precht.

Si Precht ay dating pinuno ng Vicariate of Solidarity ng simbahan sa Chile na nasa likod ng pagtatanggol sa karapatang pantao.

Inakusahan si Precht ng sexual abuse ng mga miyembro ng Marist Brothers religious community.

Itinanggi naman ni Precht ang akusasyon.

Kamakailan ay sinalakay ng Chilean police ang mga tanggapan sa simbahang pinamunuan ni Precht para mangalap ng ebidensya.

Read more...