Aabutin ng dalawa hanggang tatlong araw para maibalik ang linya ng telekomunikasyon sa mga nasalanta ng Bagyong Ompong ayon sa National Telecommunications Commission (NTC).
Sa press conference sa Tuguegarao sinabi ni Commissioner Gamaliel Cordoba na tuloy-tuloy ang ginagawang restoration ng signal ng mga telecom companies.
Aabutin anya ito ng dalawa hanggang sa tatlong araw dahil sa mga natumbang poste, naputol na fiber optic at copper cables.
Ayon kay Cordoba, 12 percent na ng linya ng komunikasyon ang naibalik Linggo ng umaga.
Nagbigay din ang NTC ng libreng telephone calls sa mga residente ng Tuguegarao City, mga bayan ng Abulug, Amulong, Santa Praxedes at Solana.
Samantala, sinabi naman ng PLDT at Smart na naibalik na ang ang kanilang serbisyo ng 96 percent sa northern at Central Luzon Linggo ng gabi.