Magreretirong heneral nais italaga ni Pangulong Duterte bilang bagong pinuno ng NFA

By Rhommel Balasbas September 17, 2018 - 02:07 AM

Ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kagustuhang italaga si Philippine Army (PA) Chief Lt. Gen. Rolando Bautista bilang susunod na pinuno ng National Food Authority (NFA).

“Pwede ka muna sa NFA siguro, to rationalize the idiotic… para maplano, make it structura (Maybe you can be assigned at the NFA..to plan, set up structures),” ani Duterte.

Sinabi ito ng pangulo sa press briefing sa Tuguegarao City kaugnay ng pananalasa ng Bagyong Ompong.

Ang usapin tungkol sa bagong liderato ng NFA ay natalakay matapos tanungin ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang pangulo kung mayroon itong pwedeng italagang pansamantalang pinuno ng ahensya.

Ito ay para maresolba ang mga isyung kinahaharap sa bigas at food security lalo na sa Region 2.

Dito na sinabi ng pangulo na si Bautista ang kanyang itatalaga sa NFA kapalit ni Jason Aquino.

Ayon sa pangulo kailangan niya ng taong mapagkakatiwalaan na hawakan ang ahensya.

Nakatakda nang magretiro sa Oktubre si Bautista.

Samantala, kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang appointment ng Heneral bilang NFA administrator ay epektibo na sa October 15.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.