Apat na rehiyon sa Mindanao ang posibleng pagkunan ng suplay ng pagkain sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Ompong.
Ayon kay Agriculture Sec. Manny Piñol, sakaling magkaroon ng shortage ay handa ang Zamboanga Peninsula (Region 9), Northern Mindanao (Region 10), Davao Region (Region 11) at SOCCSKSARGEN (Region 12) na magsuplay ng basic food commodities.
Sinabi ni Piñol na nakahanda ang mga isda ng Zamboanga Peninsula.
Gulay naman ang nakahandang isuplay ng Northern Mindanao.
Habang prutas at iba pang food items ang nakahandang isuplay ng mga rehiyon ng Davao at SOCCSKSARGEN.
Sinabi pa nito na mayroon nang mga ulat ng kakulangan ng suplay ng ilang mga gulay tulad ng repolyo at pechay baguio.
Giit ng kalihim, inaasahan na ito dahil sa bagyo ngunit kung kinakailangan ay magsusuplay ng mga produkto mula sa ibang lugar sa bansa.
Samantala, sinabi rin ni Piñol na magiging maayos pa rin ang suplay ng bigas sa Cagayan Valley sa kabila ng pagkasira ng maraming taniman.
Anya, may stocks ng bigas ang mga warehouse sa Isabela at Cagayan.