Restoration efforts sa supply ng kuryente sa mga apektado ng bagyo, dinoble ng DOE
Nagdodoble kayod na ngayon ang Department of Energy para maibalik kaagad ang kuryente sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Ompong.
Sa press conference sa Tuguegarao City, sinabi ni Energy Sec. Alfonso Cusi na tinututukab nila ang ginagawang restoration eftorts ng National Grid Corporation of the Philippines at mga electric cooperatives.
Sinabi nito na wala namang nasirang power plant ang nagdaang bagyo kaya mas magiging madali ang pagbabalik ng supply ng kuryente.
Inaayos na aniya ang mga natumbang poste at mga naputol na kawad ng kuryente.
Nagiging maingat aniya ang mga taga NGCP at electric cooperatives sa ginagawang pagtatraho upang masiguro ang kaligtasan ng nga ito.
Sa 21 lalawigan na apekatdo ng bagyo 15 anyang probinsya ang napailawan na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.