BI nakaalerto sa pagdagsa ng mga biyahero sa mga airport dahil sa pagbuti ng panahon

HUMAN INTEREST JANUARY 3, 2015 Bureau of Immigration INQUIRER PHOTO/ ALEXIS CORPUZ

Ngayong nasa labas na ng bansa ang Bagyong Ompong, inatasan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga kawani nito sa mga international ports partikular na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na paghandaan ang inaasahang pagdagsa ng mga pasahero paalis at patungo ng Pilipinas.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, marami kasing mga flight na nakansela bunsod ng pananalasa ng Bagyong Ompong kaya asahan na rin ang pagdagsa ng mga naantalang byahero.

Samantala, pinaghahanda naman ni OIC Deputy Commissioner at Port Operations Division Chief Marc Red Marinas ang mga immigration officer sa mga airport sa posibilidad ng mas mahabang oras sa trabaho.

Ang bagyong Ompong na pang-limang bagyo na pumaspok sa Pilipinas ngayong taon ay ganap na nakalabas ng Philippine Area of Responsibility dakong alas-9 kagabi.

Read more...