Mga OFW na maapektuhan ng Bagyo Ompong, makakatanggap ng cash aid ayon sa DFA

By Rod Lagusad September 16, 2018 - 04:41 PM

Makakatanggap ng P5,000 cash assistance mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nakansela ang flight dahil sa Bagyong Ompong.

Ayon sa DFA, kinakailangan ng mga apektadong mga OFW na personal na magtungo sa DFA Assistance Desks sa mga paliparan ng Ninoy Aquino International Airport at Clark International Airport.

Bukod dito kinakailangan isumite ng mga naapektuhang mga OFW ang airline ticket na nagpapakita ng orihinal na petsa ng pag-alis at ang reissue na ticket na nagpapakita ng bagong petsa ng pag-alis.

Kasama rin sa dapat ipakita ng mga OFW ay ang Employment Contract at Overseas Employment Certificate.

Mananati ang mga personnel ng DFA sa mga airport terminals hanggang Lunes, mula alas diyes ng umaga hanggang alas diyes ng gabi.

Ito ay para maasikaso ang mga pangangailangan ng mga apektading mga OFW.

Bukod dito, mula September 17 hanggang 21, 8 am hanggang 4 pm, ay maaring i-claim ng iba pang mga OFW sa Office of Migrant Workers’ Affairs ng DFA sa Pasay City at sa lahat ng DFA Consular Offices sa bansa.

Hanggang alas diyes ng gabi kahapon, araw ng Sabado ay nakapagbigay na ng cash assistance sa 43 OFWs.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.