Typhoon Mangkhut nananalasa sa HongKong bago magtungo ng China

AP

Matapos ang mapaminsalang paghagupit ng bagyong Ompong na mayroong international name na Typhoon Mangkhut sa Pilipinas, humampas na sa HongKong ang bagyo habang nagpapatuloy papuntang China.

Nanalasa ang bagyo sa timog na bahagi ng HongKong sa pamamagitan ng dala nitong hangin na aabot sa 232km kada oras.

Batay sa forecast, maaaring tumaas ang tubig hanggang sa apat na metro sa Victoria Harbor at inaasahan na rin ang matinding pagbaha sa mabababang lugar.

Samantala, daan-daang residente na ang nag-evacute sa mga storm shelters.

Habang nakataas ang signal number 10 sa lugar dahil sa typhoon Mangkhut ay kanselado na ang lahat ng flights patungong HongKong.

Matatandaang ang pinakamalalang bagyong naitala sa HongKong ay ang Super Typhoon Haiyan, kung saan mahigit 7,350 katao ang nasawi noong Nobyembre 2013.

Read more...