Cagayan isinailalim na sa state of calamity

By Justinne Punsalang September 16, 2018 - 04:26 PM

Kuha ni Erwin Aguilon

Idineklara na ni Cagayan Governor Manuel Mamba ang state of calamity sa buong lalawigan.

Ito ay kasunod ng pananalasa dito ng bagyong Ompong.

Sa maikling press conference, sinabi ni Mamba na dahil sa pagdedeklara ng state of calamity ay magkakaroon ng price freeze sa mga basic commodities o mga pangunahing bilihin sa buong lalawigan.

Dahil sa pagbayo ng bagyong Ompong sa Cagayan ay nasira ang bahagi ng passenger terminal building ng Tuguegarao Airport, kaya naman sa ngayon ay sarado ito sa publiko.

Nilipad din ng hanging dala ng bagyo ang bubong ng kapitolyo ng Cagayan.

Sa huling datos, pinakamalaking pinsala ang naramdaman sa bayan ng Baggao, kung saan naglandfall ang bagyong Ompong noong Sabado ng umaga.

Sa ngayon, magsisimula na ang relief at rebuilding operations para sa buong lalawigan ng Cagayan.

TAGS: Bagyong Ompong, Cagayan, State of Calamity, Bagyong Ompong, Cagayan, State of Calamity

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.