Suplay ng kuryente sa Ilocos Norte, hindi pa rin naibabalik

By Angellic Jordan September 16, 2018 - 04:22 PM

Hindi pa rin naibabalik ang suplay ng kuryente sa Ilocos Norte.

Ito ay bunsod pa rin ng mga natumbang poste at naputol na communication lines sa pananalasa ng Bagyong Ompong.

Ayon sa Ilocos Norte Electric Cooperative, hindi pa tiyak kung kailan maibabalik ang kuryente sa mga residente.

Dahil dito, nag-alok ng libreng tawag at charging station ang Smart Telecommunications Co. at The Philippine Long Distance Telephone Co. sa Laoag at San Nicolas.

Sa kabuuan, umabot sa 10,596 na residente ang inilikas mula sa dalawang lungsod at 19 na bayan.

Patuloy naman ang abiso ng provincial government sa mga residente na nakatira sa coastal areas na maging alerto sa posibleng storm surge.

TAGS: Bagyong Ompong, ilocos norte, Kuryente, Bagyong Ompong, ilocos norte, Kuryente

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.