(UPDATED AS OF 2:56AM) Nadagdagan ang bilang ng mga sugatan matapos sumabog ang isang improvised explosive device (IED) sa harap ng isang drug store sa General Santos City, araw ng Linggo.
Batay sa huling datos, walo katao na ang nasugatan, isang tao na mas marami sa inisyal na impormasyon.
Ayon kay Supt. Aldrin Gonzales, tagapagsalita ng Police Regional Office-12, naganap ang pagsabog sa labas ng TGP Generic Pharmacy sa bahagi ng Crossing Makar sa Barangay Labangal bandang 11:40 ng umaga.
Aniya, hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng suspek na nag-iwan ng IED sa naturang drug store.
Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon para alamin ang motibo sa likod ng pag-atake.
Hinikayat naman ni South Cotabato First District Rep. Pedro Acharon Jr. ang publiko na maging alerto matapos ang naturang pagsabog.
Aniya, posibleng layon lamang nitong takutin ang publiko at hindi manakit.
Samantala, sinabi ni Atty. Arnel Zapatos na dinala na ang mga biktima sa lokal na ospital para mabigyan ng lunas.
Ito na ang ikatlong naitalang insidente ng pagsabog ng IED sa Region 12 o Soccsksargen region sa loob ng isang buwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.