Suplay ng kuryente sa ilang parte ng La Union at Ilocos Sur, naibalik na – NGCP
Naibalik na ang suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng La Union bandang 9:02, Linggo ng umaga.
Ito ay dahil balik na rin sa normal ang operasyon ng pasilidad ng Bacnotan-Bulala 69kV line.
May kuryente na ang mga naapektuhang customer ng LUELCO.
Samantala, naibalik na rin ang suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng Ilocos Sur dakong 9:47 ng umaga.
Naibalik na rin kasi sa normal na operasyon ang pasilidad ng San Esteban-Navarcan 69kV line.
Naapektuhan ng pagkawala ng kuryente ang mga customer ng ISECO.
Sa paglabas ng Bagyong Ompong sa Philippines Area of Responsibility (PAR), wala ng banta sa mga pasilidad ng NGCP.
Sa ngayon, nai-deploy na ang mga line crew ng NGCP para magsagawa ng aerial at ground patrols sa pag-inspeksyon, pag-assess at pagsasaayos ng mga transmission line at mga pasilidad na naapektuhan ng Bagyong Ompong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.