Public market sa Oras, Eastern Samar nasunog
Tinupok ng apoy ang isang palengke sa Oras, Eastern Samar Linggo ng umaga.
Ayon kay Oras Mayor Vivienne Alvarez, inaalala nila ang posibleng pagtaas sa presyo ng mga bilihin sa lalawigan dahil sa sunog.
Nasunog kasi ang buong palengke kasama ang 40 stalls ng bigas dito.
Maliban dito, apektado rin ang 13 kabahayan na malapit sa palengke sa bahagi ng Barangay Tuigib.
Ayon sa fire investigators, patuloy na inaalam ang sanhi ng sunog.
Tinatayang aabot sa P60 milyon ang halaga ng pinsala sa lugar.
Sinabi pa ni Alvarez na pinag-iisipan pa kung isasailalim sa state of calamity ang lalawigan bunsod ng nangyaring insidente.
Ito na ang pinakamalaking sunog na naitala sa Oras simula noong 1992.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.