Higit 30 informal settler families, inilikas ng PRRC mula QC patungong Rizal

By Ricky Brozas September 16, 2018 - 02:13 PM

May libreng pabahay na, may ayuda pa!

Ito ang tugon ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) sa problema sa informal settlers sa Lungsod Quezon.

Nito lamang nakaraang Setyembre 11, 2018 ay kabuuang 34 na mga pamilya na nakapaloob sa tinatawag na Informal settler families (ISFs) ang inilikas ng PRRC na nakatira sa kahabaan ng Ermitaño Creek sa Barangay Damayang Lagi, Quezon City patungo ng St. Martha housing project sa Barangay Maybangcal, Morong Rizal.

Katuwang ng PPRC sa pagbibigay relokasyon sa mga ISFs ang local na pamahalaan ng QC at Local Inter-Agency Committee of Quezon City (LIAC-QC).

Ayon kay PRRC Executive Director Jose Antonio “Pepeton” E. Gotia, ang mga bagong pabahay ay ipinagkaloob sa mga naturang pamilya ng National Housing Authority (NHA).

Sinabi ni Gotia na mahalagang lisanin ng mga ISFs ang estero dahil matagal na silang lantad sa peligro ng Leptospirosis, Diarrhea at iba pang water-borne diseases.

“We are not just talking about health risks here, but imagine what would happen to these families if we did not relocate them and two consecutive tropical storms entered the country as forecasted by PAG-ASA, they could be devastated by flash flood,” paliwanag ng opisyal.

Ang PRC na rin ang naghakot sa pamamagitan ng libreng pagsakay sa truck at van para matiyak ang ligtas na paglilipat ng mga residente.

Nangako naman si Quezon City Mayor Herbert Bautista na aayudahan ng food supplies ang mga pamilyang inilikas katulad ng bigas, mga de lata, kape at P2,000 cash, maliban pa sa P1,000 financial assistance naman na magmumulasa NHA.

Bibilisan rin ng Department of Interior and Local Government ang pagkakaloob ng P18,000 dagdag benepisyo sa mga nagsilikas na pamilya.

Samantala, magkasamang binaklas ng mga tauhan ng PRRC at Metro Manila Development Authority ang mga barung- barong sa gilid ng Ermitaño Creek para masiguro na hindi na babalik doon ang mga inilikas na residente.

Katulad ng Ermitaño Creek, plano rin ng PRRC na i-develop ang nabawi nilang easements sa San Juan City para maging daanan ng tao at linear park para sa seguridad ng komunidad at para na rin maibsan ang pagdumi ng mga daluyan na tubig na konektado sa ilog pasig.

TAGS: DILG, informal settler, mmda, NHA, prrc, DILG, informal settler, mmda, NHA, prrc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.