Presyo ng bilihin sa mga naapektuhan ng Bagyong Ompong, hindi tumaas – DTI

Kuha ni Erwin Aguilon

Tiniyak ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na walang pagtataas ng presyo ng mga produkto sa mga sinalanta ng Bagyong Ompong.

Sa press conference sa Tuguegarao City, sinabi ni Lopez na nag-inspeksyon ang kanyang mga tauhan at nabatid na sumusunod pa rin ang mga negosyante sa Suggested Retail Price (SRP).

Sinabi nito na wala ring nagsagawa ng panic buying bago at matapos ang bagyo.

Gayunman, siniguro nito na tututukan nila ang presyo ng mga paninda upang hindi ito tumaas.

Inaantay na rin aniya nila ang deklarasyon ng state of calamity sa Cagayan upang magkaroon ng price freeze.

Sa ngayon, business as usual na ang mga negosyo bagamat may ilang mga tindahan ang bahagyang nasira ng bagyo.

Tiniyak din nito na may sapat na suplay ang mga negosyante na maaring ibenta.

Paliwanag nito, tatagal ng halos dalawang buwan ang stock na pagkain ng mga negosyante partikular na sa Cagayan.

Read more...