Higit 250,000 katao, naapektuhan ng Bagyong Ompong – NDRRMC

By Angellic Jordan September 16, 2018 - 12:22 PM

Kuha ni Erwin Aguilon

Nakapagtala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng higit 250,000 katao o katumbas ng 63,769 na pamilyang apektado ng Bagyong Ompong.

Sa tala ng ahensya, ang kabuuang 148,283 na katao o 37,910 na pamilyang apektado ay mula sa Regions 1, 2, 3, National Capital Region (NCR), Calabarzon, Mimaropa at Cordillera Administrative Region (CAR).

Kasunod nito, nakapagbigay na ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) katuwang ang mga local government unit at non-government organization (NGO) na may halagang P9,044,156.65 sa Regions 1, 3, Mimaropa, NCR at CAR.

Samantala, umabot naman sa 4,202 na pasahero, 619 na rolling cargo, 89 vessels at 75 na motor banca ang na-stranded sa mga pantalan sa lugar.

TAGS: Bagyong Ompong, calabarzon, CAR, mimaropa, NCR, NDRRMC, Bagyong Ompong, calabarzon, CAR, mimaropa, NCR, NDRRMC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.