Bilang ng patay sa pananalasa ng Bagyong Ompong, umakyat na sa 25

By Angellic Jordan, Erwin Aguilon September 16, 2018 - 09:54 AM

Kuha ni Erwin Aguilon

Umakyat na sa 25 ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng Bagyong Ompong sa Hilagang-bahagi ng bansa.

Ayon kay Presidential Political Affairs Francis Tolentino, nadagdag ang anim na miyembro ng pamilya na naguhuan ng lupa ang kanilang bahay sa lungsod ng Baguio.

Nauna rito, mayroon nang 19 na binanggit si Tolentino kung saan apat sa mga ito ay mula sa bahagi ng Nueve Vizcaya at 15 sa Ilocos at Cordillera Administrative Region (CAR).

Isang residente rin sa Kalinga ang namatay matapos mahulugan ng bato dahil sa landslide.

Samantala, dalawang katao naman ang napaulat na nawawala sa CAR.

Sa ngayon, sinabi ni Tolentino na wala pang ulat ng casualty sa Cagayan at Isabela.

TAGS: Bagyong Ompong, Francis Tolentino, patay, Bagyong Ompong, Francis Tolentino, patay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.