Binaha ang anim na bayan sa Pangasinan matapos magpakawala ng tubig ang San Roque Dam.
Umabot ng dalawang talampakan ang baha sa mga bayan ng Bautista, Tayug, Bayambang, Binmaley, Burgos at Calasiao.
Ayon sa hydrology division ng PAGASA, inabisuhan na ang ilang parte ng lalawigan sa posibleng pagpapatupad na forced evacuation bunsod ng nakaaalarmang dami ng tubig na nilabas ng naturang dam.
Ayon kay PAGASA hydrologist Richard Orendain, umabot sa 1,395 cubic meters per second ang pinakawalang tubig ng dam noong araw ng Sabado.
Sinabi naman ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng lalawigan na patuloy na inaantabayanan ang ulat mula sa mga pamahalaang lokal para alamin ang iba pang lugar na lubog din sa baha.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.