3 na Indonesian national, pinalaya ng ASG sa Sulu

By Angellic Jordan September 16, 2018 - 09:12 AM

Western Mindanao Command

Pinalaya na ng Abu Sayyaf Group ang hawak na tatlong Indonesian nationals sa Indanan, Sulu.

Nadukot ng bandidong grupo ang tatlong Indonesian sa Sabah, Malaysia noong nakaraang taon.

Sa ngayon, hindi pa sinasabi ang pagkakakilanlan ng mga Indonesian national.

Dinala ang tatlo sa Moro National Liberation Front (MILF) at kay dating Sulu governor Abdusakur Tan sa bahagi ng Barangay Buanza.

Batay sa ulat, nai-turnover na ang tatlo sa Joint Task Force Sulu at sumalang sa medical examination sa Camp Bautista Hospital.

Maliban dito, sasailalim pa ang mga Indonesian national sa debriefing procedures.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang otoridad sa mga opisyal sa Indonesia kaugnay rito.

TAGS: abu sayyaf group, Indonesian national, Joint Task Force Sulu, Sulu, abu sayyaf group, Indonesian national, Joint Task Force Sulu, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.