12 patay sa pananalasa ng Bagyong Ompong

Umakyat na sa 12 ang bilang ng nasawi dahil sa paghagupit ng Bagyong Ompong partikular sa Northern Luzon.

Ayon kay Presidential Political Adviser Francis Tolentino, karamihan sa mga namatay ay dahil sa landslides at may mga bahay na nasira ng hangin at ulan ng bagyo.

Kabilang sa mga nasawi ay isang mag-anak sa Nueva Vizcaya na tumangging magpalikas.

Ayon kay Tolentino, mayroon pang dalawa katao ang nawawala at maaari pang lumobo sa 16 anim ang casualty sakaling maberipika na ang mga ulat.

Sinabi naman ni Baguio City Mayor Mauricio Domogan na nasa tatlo katao ang nasawi at anim ang nawawala sa kanyang lungsod.

Hindi naman malinaw kung ang mga nasawi at nawawalang binanggit ng alkalde ay kasama na sa bilang ni Tolentino.

Nasa 87,000 katao ang inilikas sa mga mapanganib na lugar sa bansa at pinayuhang hindi muna umuwi hangga’t hindi pa tiyak ang kanilang kaligtasan.

Read more...