Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, ang impormasyon ay ipinaalam sa kanya ni Special Assistant to the Presidente Bong Go.
Sinabi anya ni Go na oras na may go signal na mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ay lilipad ang Pangulo sa mga lugar na matinding hinagupit ng bagyo.
Una rito ay sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nanatili sa Maynila si Pangulong Duterte at minonitor ang sitwasyon.
Tiniyak din ni Roque na kapag may clearance na sa CAAP ay personal na aalamin ng Pangulo ang kundisyon ng mga biktima ng Bagyong Ompong.
MOST READ
LATEST STORIES