Mag-anak patay sa pananalasa ng Bagyong Ompong sa Nueva Vizcaya

Apat na miyembro ng isang pamilya ang nasawi sa hagupit ng Bagyong Ompong sa nangyaring landslide sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Ayon kay Sec. Francis Tolentino, kabilang sa apat ang isang edad 36, 19, 2 taon bata at isang 8 buwang sanggol.

Nangyari ang insidente sa Brgy. Banao, Cayapa, Nueva Vizcaya.

Sinabi ni Tolentino na pinaalis na sa kanilang bahay ang mga biktima at nagpunta sa evacuation center pero bumalik ang apat.

Natabunan anya ng lupa ang bahay ng mga biktima.

Nahirapan rin ang mga rescuer sa lugar makuha ang katawan ng mga ito dahil sa masamang panahon.

Read more...