Mayweather balik boxing ring para labanan si Pacquiao

By Len Montaño September 16, 2018 - 12:47 AM SHARE(S):

Inanunsyo ni American undefeated boxing champion Floyd Mayweather Jr. na muli silang maglalaban ni Filipino boxing icon Sen. Manny Pacquiao ngayong 2018.

Sa kanyang Instagram ay nagpost si Mayweather ng video kung saan mapapanood na sinabi niya na mula retirement ay babalik siya sa ring ngayong taon para muling kalabanin si Pacquiao.

Nagkita sina Mayweather at Pacquiao sa isang event sa Japan.

Mapapanood sa video na nag-uusap ang 2 boxing champions ukol sa posibleng paglalaban nila muli.

Maririnig pa sa video na sinabihan ni Pretty Boy Floyd si Pacman na ayaw niyang marinig mula sa Senador na masakit ang balikat nito.

Binanggit pa ni Mayweather na nag-aabang sa kanya ang isa na namang 9-figure pay.

Sa huli nilang laban ay nanalo si Mayweather via unanimous decision para sa WBA World super welterweight at unified WBO and WBC World welterweight belts.

Kapag naglaban sila muli ni Pacquiao ay pangatlong beses na ito para sa American boxer na muling lumaban matapos magretiro.

Habang si Pacquiao ay galing sa panalo laban kay Lucas Matthysse noong Hulyo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.