Sa 11pm press briefing ng PAGASA, sinabi nito na alas-9:00 ng gabi ay nakalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo.
Huling namataan ang bagyo sa layong 395 kilometro Kanluran ng Calayan, Cagayan.
Sa ngayon ay taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 145 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 180 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa direksyong Kanluran Hilagang-Kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.
Ayon sa PAGASA, hihina pa ang bagyo sakaling mag-landfall na ito sa HongKong.
Nakataas ang signal no.2 sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Batanes.
Signal no.1 naman sa Bataan, Cagayan including Babuyan group of Islands, Abra, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Pangasinan at Zambales.
Samantala, patuloy na hinahatak ng bagyo ang hanging Habagat na magdadala ng mga pag-ulan na minsan ay may kalakasan sa MIMAROPA at Western Visayas.
Ayon sa PAGASA, mapanganib pa rin ang paglalayag sa mga karagatan ng mga lugar na nasa ilalim ng storm warning signals at seaboards ng Luzon at Visayas.