PNP Director Gen. Marquez, nag-ikot sa Manila South Cemetery

marquez1
Kuha ni Kathleen Betina Aenlle

Matapos personal na alamin ang sitwasyon sa Araneta Cubao Bus Terminal, sunod na ininspeksyon ni Philippine National Police Director General Ricardo Marquez, kasama ni National Capitalo Region Police Office Director Chief Supt. Joel Pagdilao at iba pang tauhan ang Manila South Cemetery kanina.

Nag-ikot sina Marquez at Pagdilao sa sementeryo, at ilang beses ring tumigil para makausap at hingan ng report ang mga taong kabilang sa mga pangunahing nangangasiwa ng kaayusan sa lugar.

Isa sa kaniyang mga nakausap ay ang Officer-In-Charge ng Manila South Cemetery na si Agnes Mendez, na tiniyak naman sa hepe na maayos ang lahat.

Patuloy ang pagdating ng mga tao, pero patuloy din naman ang paglabas ng ilan kaya tila hindi naiipon ang maraming bisita sa loob. Hindi rin naman masasabing dumadagsa ang mga tao dahil bagaman patuloy ang mga pumapasok, unti-unti ito at hindi biglaang bugso.

Kaninang alas kuwatro ng hapon ay mayroon nang 20 matatalim na bagay na nakumpiska ang mga otoridad.

May isang 3 taong gulang na bata naman ang nakagat ng kanilang alagang aso kanina sa leeg, kaya dinala agad sa San Lazaro Hospital upang maturukan agad ng anti-rabies.

Read more...